Saturday, December 11, 2010

Tama lang na tumigil na akong gustuhin ka.

Nakailang buwan na rin ang nakalipas nang mapagdesisyunan kong titigil na akong gustuhin ka. Ang tagal ko na kasing naghintay. Kolehiyo pa tayo noon... hanggang ngayon. Akala ko kasi nung una may "something" sa ating dalawa. Masyado ata akong umasa sa "something" na yun na hindi naman kumpirmado kung meron nga ba talaga. Yun ang mahirap sa paga-assume e. Ikaw din ang nasasakatan sa huli. Pero tapos nako sa phase na yun.

Binalikan ko ang planner ko. Bungad nito ang larawan mo. O diba? January yun. Ma ja-January na ulit. Ilang linggo na lang. Narealize kong ang tagal na talaga. Buong taon, linggo linggo, ikaw ang laman ng planner kong naging diary. Ang frustration at kilig moments ko with you. Ang confusion na nararamdaman ko. Ang tanong na "Bakit hindi pwedeng maging tayo?"

Hindi ko sasabihing sayang ang paghihintay ko. At least sa panahong yun, kahit papaano e napasaya mo naman ako. Maraming salamat!

P.S.
Merry Christmas nga pala. Ngayong pasko, hindi na ikaw ang hihilingin ko kay santa...

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...