Thursday, May 31, 2012

“Ma’am/Sir, please lang, lumunok ka na.”


Naranasan mo na bang magkaroon ng guro na sa sobrang haba kung magsalita e napupuno na yung laway niya sa lalamunan at nagiging muffled na ang pagsasalita niya?
Naii-stress ako pag ganun. Imbes na makinig ako sa sinasabi ng guro e nadidistract ako kung pano lumalabas yung mga “muffled” na salita sa bibig niya at palihim ko siyang inuutusan na ”Ma’am/Sir, please lang, lumunok ka na. Ma’am/Sir, please lang, lumunok ka na.” Paulit-ulit na yan lang ang tumatakbo sa isipan ko.
Ngayon, pag nakalunok na siya, pupunahin ko na ang laki ng difference nung boses niya dun sa panahong hindi siya lumulunok. HAHAHA. Ako naman, tuwang tuwa e makakapakinig nanaman sa discussion…hanggang sa panahong maipon nanaman ang laway ni ser o ma’am.
O diba, life is a cycle nga talaga…. hanggang sa kriiiiiiing na ng bell.
‘Till tomorrow ma’am sir! Hahaha.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...