Sabihin nating may crush ka.
Paminsan minsan e nagkakasabay kayo sa kung saan mang aktibidades ng
pang-araw araw na buhay. Nang minsang magkasama kayo at naglalakad
(pwede din naman pala kahit nakatayo at tumatambay lang), bigla siyang
umakbay sayo.
Ang reaksyon mo: “OMG.OMG.OMG. Ano ‘to?”
Kinikilig ka ng wagas. Ang bilis na ng tibok ng puso mo. Laglag panty mo.
HUWAIT!
Huwag magpalinlang sa “akbay”.
Based on personal experience, kaya ka lang inakbayan nun kasi:
1. Nangangalay na yung kamay nya at wala nang ibang mapagpatungan. Bilang ikaw ang pinakamalapit sa kanya, ayan, “akbay”.
2. Hirap na siyang maglakad, inakbayan ka para gawing tungkod. Bilang ang hilig mo kasing tumabi at ikaw nga lagi ang pinakamalapit sa kanya, ayan, “akbay”.
3. At ang pinakamalala, ngalay na ang buong katawan nya, inakbayan ka para gawing sandalan. Bilang ang hilig mo na ngang tumabi at ikaw nga lagi ang katabi at ang katawan mo ay so fluffy na parang kama ang pakiramdam pag sinandalan, ayan, “akbay”.
Gels, wag laging bigyan ng ibig-sabihin ang actions ng mga guys. Wag
masyadong feelingera at assumera. I’ve learned that the hard way. Never
jump into conclusions unless experimented upon. Chos. Pero seryoso. Wag
mag assume kasi 99.9% sure ikaw ang masasaktan.
Sabi nga ng bespren ko: “Bakit, nagpaparamdam ba?”
Kung sa tingin mo nagpaparamdam nga, feelingera kang tulad ko. HAHA.
Best way is, hintayin mong sabihin nya sayo ang nararamdaman niya.
Pagkatapos nun, pwede ka nang mag feeling to the highest level.
Anyway, balik tayo sa “akbay”.
Pwede din naman kasing inakbayan ka nya kasi gusto nya lang talaga. :)
May paasa statement sa dulo =))
ReplyDelete