Friday, June 15, 2012

Ideal Guy

Naalala ko nung mas bata pa ko, meron akong naiisip na ichura ng Prince Charming ko. Tandang tanda ko, isinulat ko pa sa diary ko ang bawat detalye ng pagkatao nya. Shempre puro pisikal. Itim na buhok, blue eyes, matangkad, matipuno, maganda ngiti, maputi ngipin.. Ganun.

Nung high school, nadagdagan ng mga katangian tulad ng mabait, gentleman, sweet, understanding, at higit sa lahat, yung hindi manloloko. Yun kasi yung panahong naghiwalay ang mga magulang ko.
May pumasa sa standards ko. Nagkaboypren ako nun. Sa kasawiang palad, limang buwan lang kaming nagtagal kasi yung pinaka importanteng criteria pa ang hindi na satisfy. Oo, dalawa kami. Lately ko lang din nalamang ako pala si number 2. Masakit. Pero ang weird kasi hindi ko siya iniyakan. Siguro kasi sandali lang.

College. Siguro masyado akong na-stuck sa idea ng “ideal guy”. Masyadong mataas ang standards ko. Sa tono ng pananalita ko, siguro nahulaan nyo nang wala akong lablayp nung college. May nagparamdam pero, ayun nga, hindi siya si Prince Charming material. Isa pa, lumobo ako ng todo todo. Kaya ayun. LOLS.

Ngayon, lobo padin ako. Haha. Anyway, ngayong nagtatrabaho ako, madami-dami na din akong na-meet. Crush dito, crush doon.. Pero there’s this one guy that stood out. Kanina, pinag-uusapan namin siya. At TING! may narealize ako… Siya na ata si Ideal guy ko. Mind you, hindi siya blue-eyed. Haha, sa hitsura, papasa na naman siya (importante kasi din yun hahaha). Pero it’s his attitude that made him stand out. Masayahin, witty, funny, sarap kausap. Sooooobrang komportable ko sa kanya. Walang ilang/arte moments. Ganun. Basta lahat ng gusto ko sa lalaki nasa kanya.

Shempre, sa lahat ng istorya, may catch.

He’s taken and going strong sila.

Wala akong balak manira ng relasyon. Sagradong batas naming magkakaibigan ang bawal mangealam ng relasyon ng may relasyon. Hindi din naman ako bitter. Ang gusto ko lang sigurong sabihin e nahanap ko na ang gusto ko sa lalaki. Siguro sa susunod mang magka-gusto ako, it’s in the likes of him.

I guess I could say, he’s the epitome of my kind of guy. :)

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...