Tuesday, July 17, 2012

"Winasak mo puso ko."

Martes, meeting ninyo sa opisina.

Nagrequest ng projector ang kasamahan mo.

Dinala ko ang projector sa conference room para mag set-up.

Pagpasok ko, andun ka.

Deadma.

Tumingin ka at nagsalita: "Anong nangyari sa'yo?"

Nagulat ako, hindi ko sigurado kung sino kausap mo, ako o ang kalbo.

Sabi ko: "Ako?"

"Oo. Ikaw.", sagot mo.

"Huh, ako? Bakit?" Wala akong ideya sa sinasabi mo.

"Sabi kasi sakin ni Sir Mat, ano daw ginawa ko sayo."

*insert super puzzled face ni Kux here*

"Uhhhh...."

Napatingin ako sayo, biglang may pumasok sa isipan ko.

At yun ay ang title ng blog post na ito.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...