Sunday, September 30, 2012

Ambivalence


Para akong lintek na baliw na hindi maintindihan kung ano ang nararamdaman ko.

Isang minuto, sobrang lugmok ko na gusto ko nang mag evaporate sa mundong ibabaw.

Sa susunod na minuto, para akong naka juts na sobrang high sa saya.

Ang nakakapagtaka, iisang tao ang nagdudulot ng dalawang emosyon na yan.

Malamang hindi ko na kailangang sabihin kung sino siya.

Alam mo yung pakiramdam na gusto mo nang tumigil pero pag anjan na, go ka padin?

Para sigurong yosi. Ilang beses mo nang pinapaniwala ang sarili mong hindi ka na hihithit nito pero pag niyakag ka... sasabihin mo, sige isa lang. O, e di nag yosi ka padin nun diba?

Ganun. Ganun ang nararamdaman ko sa kanya.

Pinipilit ko ang sarili kong tumigil na kasi alam na alam ko sa huli, ako ang tiyak na masasaktan. Pero pag andiyan siya, wala akong magawa. Lahat ng pader na itinayo ko (kasama na ang tulong ng mga katoka kong nag g-GK) e natitibag.

Hindi ko malaman. Hindi ko maintindihan.

I guess you're the one person who can make me feel ambivalent.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...